Tuesday, December 1, 2009

No More Chiz.....

“Napagpasyahan ko, na hindi tumakbo bilang pangulo sa darating na halalan. Napagpasyahan ko na hindi man bilang kandidato, ako’y may papel na pwedeng gampanan bilang Pilipino at ordinaryong botante sa panahong ito,” Ang pagbungad na sabi ni Senator Chiz Escudero.

“Napagpasyahan ko na hindi lang ngayon ang panahon para matupad ang pinanghahawakan kong pangarap at layunin kong panguluhan nang hindi nakatali. Patuloy kang panghahawakan ang pangarap at pangakong iyan. Hindi man ngayon kundi sa darating na panahon,”sabi pa nya.

Matatandaang nag announced si Chiz ng kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo halos 1 buwan na ang nakakaraan. Ngunit siya ay umatras sa madaming kadahilanan, pag katapos nyang kumonsulta sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at supporters na din.

“Sila ba ay kaya pa ring gawin ang lahat ng pinangako sa atin na magaganda at matatamis habang nangangampanya. Hindi ko makokonsensyang sabihin ‘yan kung hindi ko rin lang kayang gawin kung ako ay pagtitiwalaan niyo. Dahil po sa lahat ng nabanggit ko, akala ko’y madali pero hindi,”

“Hindi ko rin kayang gawin ang dapat at gusto kong gawin at kung makakain lamang ako ng sistema. Para sa akin, hamon itong dapat tingnan ng lahat na ng unang nagdeklara, sila ba’y nakain na ng sistema o hindi pa, sa daan tungo sa panguluhan,”

No comments:

Post a Comment